Nagpahayag ng kalungkutan ang gobyerno ng Pilipinas sa nangyaring pagsabog sa New York, United States nitong Sabado (Linggo sa Pilipinas) at pinaalalahanan ang mga Pilipino na maging mapagmatyag.

“We are deeply saddened by the New York explosion that left scores injured in Chelsea district,” sabi ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar sa isang pahayag.

Sinabi ni Andanar na mahigpit na binabantayan ng Philippine Consulate General sa New York ang sitwasyon habang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang pagsabog sa distrito ng Chelsea na ikinasugat ng 29 katao.

“We advise Filipinos living in the area to remain calm and vigilant as we wait for further developments,” dagdag niya.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Ayon sa New York police, sinadya ang pagsabog ngunit walang pahiwatig na ito ay may kaugnayan sa terorismo. - Genalyn D. Kabiling