Niyanig kahapon ng lindol ang dalawang lalawigan sa Mindanao, ayon sa Philippine Institute of Volcanoloy and Seismology (Phivolcs).

Dakong 9:09 ng umaga nang maramdaman ang lindol sa Davao Occidental.

Aabot sa 4.2 magnitude na lindol ang tumama sa Davao Occidental kung saan tectonic ang pinagmulan nito.

Lumikha rin ito ng lalim na aabot sa 11 kilometro, at natukoy ang sentro nito sa layong 62 kilometro sa katimugan ng Sarangani, Davao Occidental.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Sa Surigao del Sur, dakong 9:25 ng umaga nang maitala ang 3.9 magnitude na pagyanig na may limang kilometro ang lalim.

Natukoy din ang epicenter nito sa layong 9 kilometro sa katimugan ng Carmen, Surigao del Sur. - Rommel P. Tabbad