Nagpasalamat ang maraming magulang na nakiisa sa inoorganisa ng Philippine Sports Commission na Laro’t-Saya sa Parke, Play ‘N Learn sa iba’t-ibang nitong weekend.

Kabilang dito ang isang lola na araw-araw dinadala ang mga apo para makiisa s Zumba dance.

“Nakakatuwa po kasi hindi siya ganyan na lakad ng lakad at takbo ng takbo pero noong dinala namin dito ay nakita namin siya na talagang aktibo at naglalaro,” sambit ni Mrs. Laila Dela Paz.

Samantala, muling nilahukan ang Laro’t-Saya sa Pinaglabanan Shrine sa San Juan City na may sumali sa arnis (29), badminton (51), football (13), taekwondo (18), volleyball (45), Zumba (259) at senior citizen (9) para sa kabuuang 424 nakisaya.

Another gold! Hidilyn Diaz, isa nang guro sa UP Diliman

PInakamarami ang nagpartisipa sa Laro’t-Saya sa Luneta Park na may nakilahok sa arnis (14), badminton (94), chess (90), football 74, karatedo (13), lawn tennis (29), volleyball (90), Zumba (659), senior citizen (8), sepak takraw (10) para sa kabuuang 1,082 sumali.

Ang Laro’t-Saya sa Quezon City Memorial Circle ay may nagpartisipa sa Zumba (387), chess (36), badminton (6), football (14), volleyball (9) para sa kabuuang 462 katao. - Lito Oredo