Ni ORLY L. BARCALA

Sa panandaliang sarap, habambuhay na kahihiyan at paghihirap ang mararanasan ng isang 40-anyos na lalaki, matapos hatulang makulong dahil umano sa panghahalay sa Grade 1 pupil sa Malabon City, noong Sabado ng gabi.

Ayon kay Sr. Insp. Rosilitt Avila, head ng Women and Children Protection Desk (WCPD) ng Malabon Police, kasong rape ang kinakaharap ni Roger Marabinan, ng Barangay Concepcion ng nasabing lungsod.

Ayon sa biktima, 8 anyos, dakong 7:00 ng gabi, naglalaro siya sa labas ng kanilang bahay nang siya’y tawagin ni Marabinan.

National

Bulkang Kanlaon, alert level 3 pa rin!

Binigyan umano siya ng candy ng suspek at niyaya sa loob ng bahay upang doon na lamang maglaro.

“Bata kasi kaya sumama ‘yung biktima sa suspek tapos pinangakuan pa raw na bibigyan pa siya ng maraming candy sa loob,” ayon kay Avila.

Sa loob ng bahay, naisakatuparan ng suspek ang masamang balak sa batang babae at pinauwi rin matapos bigyan ng maraming candy.

Pagdating sa bahay, tinanong ng ina ng biktima kung saan galing ang mga dala niyang candy at dito ikinuwento ng biktima ang pang-aabusong ginawa ni Marabinan.

“Kapag napatunayan sa husgado ang akusasyon kay Marabinan, tiyak na habambuhay na pagkakabilanggo ang magiging hatol sa kanya.” pagtatapos ni Avila.