gma-apt-solaire-contract-signing-copy

LUMAGDA ng memorandum of agreement ang GMA Network at APT Entertainment team with Hollywood and Korean film producers para sa isang pelikulang gagawin nila na mapapanood dito sa ating bansa.

Layunin ng collaboration na pagsamahin ang pinakamahusay na maibibigay ng Pilipinas at South Korean entertainment.

Ang signing of contract ay pinangunahan ni Atty. Felipe L. Gozon, chairman & CEO ng GMA Network, Antonio Tuviera, chairman ng APT Entertainment, Choi Pyung Ho, president ng Solaire International, at Youngjae Lee, executive director and CFO of Solaire International.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Kapapalabas lang ng pelikulang pinagtulungang iprodyus ng GMA at ng APT Entertainment, ang box-office hit na Imagine You and Me nina Alden Richards at Maine Mendoza at excited din silang makatrabaho ang kanilang Korean partners.

Malaki ang paniniwala ni Atty. Gozon na malaking pagkakataon para sa the Philippine movie industry na makasama ang foreign producers na bihasa sa paggawa ng magagandang pelikula tulad ng Gladiator, Saving Private Ryan, American Beauty, at iba pa.

Wala pang titulo ng project na binanggit sa contract signing, pero dahil nandoon din si Direk Mike Tuviera, CEO ng APT Entertainment at director ng Imagine You & Me, malamang na siya rin ang magdidirek ng unang pelikulang gagawin sa big collaboration na ito.

Nakita kung gaano ka-smooth ang shooting nila ng movie sa Como, Italy na katrabaho naman niya ang Italian production team. So, mula sa Italy, sa South Korea naman kaya ang location ng pelikulang sunod niyang gagawin? –Nora Calderon