Isa ang mandatory drug testing sa tampok na usapin na hihimayin ng Philippine Sports Commission sa mga kinatawan ng 52 national sports associations sa gaganaping ‘Consultative Meeting’ sa Setyembre 20 sa Century Park Sheraton.

“It is one of the agenda but we have to talk it deeply with the NSA’s dahil baka may matapakan kaming karapatan at malabag na batas sa mga indibidwal, ” sambit ni PSC Chairman William “Butch” Ramirez. Ninais ni Ramirez na isailalim ang lahat ng mga pambansang atleta sa mandatory drug testing matapos magpositibo ang isang miyembro ng Philippine Amateur Sepak Takraw Association (PASTA) na isa ring enlisted officer a Philippine Navy.

Ipinaliwanag ni Ramirez na posibleng maisama ang nais nitong maging kautusan hingil sa drug testing sa pagsisimula ng pagimplementa ng bagong regulasyon, kabilang na ang pagpirma ng kontrata sa mga miyembro ng Philippine Team.

“We want them (athletes and coaches) to reach their best and prepare them for maximum performance by signing them to a contract,” sabi ni Ramirez. “Gusto namin siguruhin na talagang naghahanda sila at regular na nagpapraktis para sa tsansa nilang makamedalya. We won’t give them allowances if they don’t want to sign (the contract).”

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Plano ni Ramirez na matutukan ng husto ang lahat ng mga pambansang atleta para malaman ang lahat ng mga pangangailangan sa pagnanais na rin nito na maisakatuparan ang pinapangarap na Olympic gold medal.

Nakatakdang ipaliwanag ng PSC ang plano nito na isailalim ang mga miyembro ng national team kasama ang uupo na national training director ng Philippine Sports Institute na si Marc Velasco.

Nakaatas kay Velasco  ang istriktong pagbabantay at pagmonitor sa progreso ng mga atleta gayundin ang pagpapataas ng antas sa mga coach. - Angie Oredo