BALER, Aurora – Makararanas ng hanggang siyam na oras na brownout sa ilang bahagi ng Aurora at Nueva Ecija bukas, Setyembre 20.

Ayon kay National Grid Corporation of the Philippines (NGCP)-Central Luzon Corporate Communication and Public Affairs Officer Ernest Lorenz Vidal, simula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon ay mawawalan ng kuryente ang mga kostumer ng NEECO II-Area I, NEECO-II Area II at Aurelco.

Apektado ng brownout ang mga bayan ng Talavera, Guimba, Quezon, Aliaga, Carranglan, Lupao, Bongabon, General Natividad at Science City of Muñoz sa Nueva Ecija.

Mawawalan din ng kuryente sa mga bayan ng San Luis, Maria Aurora, Baler at Dipaculao sa Aurora.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Ang power interruption ay magbibigay-daan sa electrical testing ng lightning arrester sa San Luis Line Metering Point sa loob ng Cabanatuan Substation.- Light A. Nolasco