Canelo Alvarez, left, and Liam Smith, right, face off with promoter Oscar De La Hoya, center, looking on after the official weigh-in for their upcoming title fight at the stadium in Arlington, Texas, Friday, Sept. 16, 2016. (AP Photo/LM Otero)DALLAS, Texas (AP) – Walang balakid sa laban nina Canelo Alvarez at Liam Smith nang kapwa umabot sa weight limit na 154 lbs. para sa kanilang duwelo sa junior-middleweight Linggo ng gabi.

Idedepensa ni Smith (23-0-1, 13 knockouts) ang World Boxing Organization belt kontra sa matikas na Mexican slugger na si Alvarez (47-1-1, 33 KOs) sa AT&T Stadium dito.

Ito ang unang laban ni Alvarez sa bigat na 154 lbs. mula nang matalo kay Floyd Mayweather, Jr., sa kanilang laban sa 152 lbs. noong September 2013.

Iginiit ni Smith, magtatanggol sa korona sa ikatlong pagkakataon, na hindi siya nababahala sa porma at diskarte ng Mexican fighter.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“To my fans, I’m very grateful for the love and support they always give me,” sambit ni Alvarez. “I’m taking the victory.”