Inihayag kahapon ng Philippine National Police(PNP) na apat na pulis ang sinuspinde nito dahil sa grave misconduct kaugnay ng pambubugbog ng mga ito sa isang tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa Isabela.

Pinatawan ni acting Police Regional Office (PRO)-2 Director Chief Supt. Gilbert Sosa ng dalawang buwang suspensiyon, nang walang tatanggaping sahod at allowance, sina PO3 Laomar Lavarinto, PO2 Winston John Alejandro, PO2 Daryl Espiritu at PO2 Paolo Niccolo Ramirez, pawang operatiba ng PRO-2 na sinasabing gumulpi kay FO1 Feliciano Aquino, ng Naguilian Fire Station sa Isabela.

Ayon kay Fire Insp. Franklin Tabingo, information officer ng BFP-Region 2, 60 araw na suspendido ang apat na pulis.

Ayon sa record ng PRO-2, Mayo 2015 nang nangyari ang panggugulpi kay Aquino sa loob ng pinapasukang fire station, na katabi ng himpilan ng Naguilian Police na roon naman nakatalaga ang apat na suspek.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Inilabas ni Senior Supt. Joselito John Santos, Regional Chief Directorial Staff, ang suspension order matapos ibasura ang motion for reconsideration ng mga suspek. - Fer Taboy