130916_uaap-dlsu-v-ust_10_ganzon-copy

Mga laro ngayon

(Smart Araneta Coliseum)

2 p.m. NU vs. La Salle

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

4 p.m. FEU vs. UE

Pag-aagawan ng De La Salle University at National University ang solong liderato sa pagtutuos ng dalawang unbeaten teams ngayong hapon sa pambungad na laro ng UAAP Season 79 men’s basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum.

Magkasunod sa kasalukuyan sa ibabaw ng standings ang Green Archers at ang Bulldogs taglay ang barahang 3-0 at 2-0, panalo-talo, ayon sa pagkakasunod.

Ganap na 2:00 ngayong hapon masusubukan ang tibay ng Green Archers na itinalaga ng lahat ng katunggaling coaches bilang team-to-beat ngayong season dahil sa napakalalim nitong komposisyon.

Ngunit sa kanilang nagdaang laban kontra defending champion Far Eastern University, bahagyang nasilipan ng butas ang Green Archers nang muntik na silang talunin ng Tamaraws kung hindi naisalba ng clutch backets ni Jeron Teng dahil nakaligtaan nito ng depensa ng FEU na nag-focus nang husto sa Cameroonian big man na si Ben Mbala.

Ngunit para kay La Salle coach Aldin Ayo, depensa at laging dito sila sasandal sa kanilang bawat laro upang manalo.

Gayunman, inamin nitong marami pa silang kailangang ayusin lalo na sa kanilang laro sa end game.

“We just played our game especially on defense. But we still had 26 turnovers. Kailangan pang magtrabaho in terms of finishing,” sabi ni Ayo matapos ang kanilang 89-71 panalo kontra UP.

Sa panig naman ng NU, inaasahaang naipahinga na nang husto ni big man Alfred Aroga ang kanyang ankle injury at handa na ito sa matinding tapatan nila ni Mbala na isa sa aabangang laban.

Kapwa nakatutok ang dalawang koponan sa depensa na inaasahang matutunghayan sa pagitan ng La Salle at NU kung saan depensa rin ang sinasabing pangunahing sistem ng Bulldogs na ginigiyahan ni coach Eric Altamirano.

Samantala sa tampok na laro, pilit na babawi ang Tamaraws sa kabiguang nalasap sa kamay ng Ateneo noong huli nilang laro sa pagtutuos nila ng University of the East na sisikapin naman umiwas na mahulog sa ikatlong sunod na kabiguan.

(Marivic Awitan)