Pinakakasuhan na ng Department of Justice (DoJ) ang lalaking nagpuslit umano ng mga armas, at may buyer na planong patayin si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa 17-pahinang resolusyon na may petsang September 13, 2016 na aprubado ni Prosecutor General Claro Arellano, si Bryan Ta-ala ay pinakakasuhan ng arms smuggling, isang paglabag sa ilalim ng Section 33 ng Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Ipinasasampa rin ng DoJ laban sa respondent ang mga reklamong paglabag sa Tariff and Customs Code of the Philippines.

Si Ta-ala ay naaresto noong Agosto 6 ng mga operatiba ng PNP-CIDG sa Bacolod City, habang nasa proseso ng pag-claim sa isang balikbayan box na naglalaman ng P4.5 milyong halaga ng mga puslit na gun parts at accessories.

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?

Nakapangalan ang balikbayan box sa isang Leo Mendieta na may address sa Bacolod City, at kalaunan ay napag-alamang si Mendieta at Ta-ala ay iisang tao lamang. (Beth Camia)