Setyembre 18, 1709 nang isilang si Samuel Johnson, ang awtor ng unang English dictionary, sa Lichfield, Staffordshire, England. Mas kilala sa tawag na “Dr. Johnson”, siya ay isang manunulat na nag-ambag ng kontribusyon sa English literature bilang poet, essayist, moralist, literary critic, biographer, editor, at lexicographer.
Nag-aral si Johnson sa Pembroke College sa Oxford ngunit siya’y tumigil makalipas ang isang taon dahil sa kakulangan sa pondo. Naglingkod siya bilang guro, at nanirahan sa London, kung saan nagsimula ang kanyang career sa pagsusulat, at ang una nga ay ang The Gentleman’s Magazine.
Makalipas ang siyam na taong pagtatrabaho, nailimbag ang kanyang “A Dictionary of the English Language” noong 1755.
Kinokonsidera bilang “one of the greatest single achievements of scholarship,” dahil dito kung bakit naging matagumpay at sumikat si Johnson.
Inilarawan si Johnson na “arguably the most distinguished man of letters in English history.” Siya ay namatay noong Disyembre 13, 1784.