BAMBAN, Tarlac - Isa na namang kaso ng pagmamaltrato sa asawa ang idinulog sa Women’s and Children’s Protection Desk ng Bamban Police Station, makaraang isugod sa ospital ang isang ginang na binugbog umano ng kanyang asawa sa Barangay Anupul, Bamban, nitong Huwebes ng umaga.

Sinabi ni PO1 Krizzelle Anne Alindayu na nakadetine na sa himpilan ng pulisya si Ronnel Andrew Naguit, 30, na inireklamo sa panggugulpi sa kanyang asawa.

Batay sa reklamo ng ginang, dakong 8:30 ng umaga at nagluluto siya ng almusal nang pakiusapan niya ang asawa na tulungan siya sa paglilinis ng bahay, pero nagalit ang suspek at binugbog siya.

Ayon sa report, taong 2011 pa sinimulan ng suspek ang madalas na pananakit sa kanyang asawa, at nadadamay din minsan ang kanilang mga anak.
Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar