Magsasagawa ang Philippine Sports Commission ng National Consultative Meeting para sa mga sports stakeholders sa bansa sa Setyembre 22 hanggang 23 upang ilatag ang pinakaaasam na comprehensive sports development program sa Philsports Arena Multi-Purpose Hall ng Pasig City.

Inanyayahan mismo ni PSC chairman William “Butch” Ramirez sa dalawang araw na sports summit ang mga kinatawan ng mga iba’t ibang Local Government Units (LGU), mga opisyal ng malalaking athletic associations, iba’t ibang national sports associations (NSAs), Senate Committee on Sports, Congress Committee on Youth and Sports Development at partner National Government Agencies of the Commission.

“The objective of the meeting are 1) to roll-out the calendar of sports activities, 2) to discuss the Development Plan for Philippine Sports, and 3) to present the set-up of the Philippine Sports Institute (PSI),” sabi ni Ramirez.

Inaasahang dadalo sa pagtitipon ang mahigit na 1000 sports stakeholder sa buong bansa kung saan ay nakatakdang ipakita ang kumpletong sports program na nakasalalay sa pagbubuo ng Philippine Sports Institute at direksiyon ng sports sa ilalim ni Pangulong Rodrigo Duterte.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

“Among the important things to be discuss in the gathering is to roll out the calendar of sports activities, to discuss the development plan for Philippine sports and to present the set-up of the Philippine Sports Institute,” sabi ni Ramirez.

Ang National Consultative Meeting ang ikalawang pagpupulong sa mga sports stakeholders matapos ang naging mainitang Top Level Consultative Meeting at Set-Up of Philippine Sports Institute.

Itinalaga ni Ramirez si Marc Velasco, dating opisyal ng Hongkong Sports Institute, bilang national training director para sa implementasyon ng program sa buong bansa.

Matatandaan na si Velasco ang tumulong sa Hong Kong cycling team para magwagi ng tansong medalya noong 2012 Olympiad sa London.