Nasilayan kahapon ng madaling-araw ng mga Pinoy ang tinatawag na penumbral eclipse sa bahagi Pilipinas.
Sa pahayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nagsimula ang nasabing eclipse dakong 12:54 ng madaling-araw kahapon at dakong 2:54 ng madaling-araw nang masilayan ang peak nito, kung saan tumagal hanggang 4:53 ng madaling-araw.
Paliwanag ni weather forecaster Allan Alcaraz ng PAGASA, ang nasabing astrological phenomenon ay tinawag ding ‘harvest moon eclipse’ kung saan nagre-realign ang planeta, ang araw at ang buwan.
Nilinaw din ng PAGASA na ang natunghayang mistulang ring sa paligid ng buwan ay repleksyon lamang ng mga crystal-like substances sa ulap na nagpapakitang masama ang panahon at nagbabadya ang pag-ulan.
Tumagal ng tatlong oras at 59 minuto ang eclipse.
Bukod sa Pilipinas, nasilayan din ang penumbral lunar eclipse sa Europa, Asya, Australia at East Africa.
(Rommel P. Tabbad)