BARCELONA (Reuters) – Nagpahayag ng kumpiyansa ang mga opisyal ng United Nations na masisimulan nang ipatupad ang Paris climate change agreement sa huling bahagi ng 2016, at nasa 20 bansa ang nagkumpirmang makikibahagi sila sa event ng U.N. para rito sa Miyerkules, Setyembre 21, bukod pa sa 27 na tiyak nang dadalo.

Inimbitahan ni U.N. Secretary-General Ban Ki-moon ang mga bansa na ilahad ang aktuwal at kongkreto na nilang mga hakbangin kaugnay ng Paris deal para maratipikahan o maaprubahan sa isang-oras na event sa Miyerkules ng umaga.

Ang mga pinuno na hindi pa handa ang kani-kanilang bansa na makibahagi sa kasunduan ngayong taon ay inimbitahang mag-ambag ng mga video na nagpapahayag ng kanilang commitment, ayon kay Selwin Hart, director ng climate change support team ng U.N. chief.

“When we start to look at the countries that are joining the... agreement and the countries that are going to commit to join before the end of the year, we are absolutely certain that we will have the Paris Agreement on climate change entering into force by the end of 2016,” sabi ni David Nabarro, special advisor ni U.N. Secretary General Ban Ki-moon sa 2030 Agenda for Sustainable Development.

Iba't ibang grupo, kumpirmadong magkakasa ng 'anti-corruption rally' sa Feb. 25

Upang maipatupad na, kailangang ratipikahan ang Paris climate agreement ng 55 partido sa United Nations Framework Convention on Climate Change, kumakatawan sa 55% ng pandaidigang emissions.