HAVANA (PNA/Xinhua) – Magiging punong abala ang Cuba sa unang regional meeting ng Pan American Health Organization (PAHO) sa Zika, dahil ang karanasan nito sa pagsupo sa virus ay mahalagang reference para sa kontinente, ayon kay Cristian Morales, PAHO representative sa isla.

Sa press conference noong Huwebes, sinabi ni Morales na ang Havana ay magiging host ng unang PAHO meeting sa Zika sa Oktubre 20-21, upang matugunan ang hamon ng virus sa rehiyon, kasama ang mga eksperto at mga awtoridad ng kalusugan sa buong America.

“Cuba’s response to this outbreak is an example for many nations of the region. Its capacity to battle Zika with different health and government strategies is very important for the organization as an effective way of dealing with this widespread virus,” dagdag niya.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina