GENERAL SANTOS CITY – Inaresto ng pulisya nitong Biyernes sa Datu Anggal Midtimbang, Maguindanao ang isang babae na sinasabing nagtangkang magpuslit ng P500,000 halaga ng shabu na nadiskubreng nakatago sa suot niyang diaper

Kinilala ni Midtimbang Police chief Supt. Reggie Abellera ang suspek na si Meriam Talusan, taga-Talitay, Maguindanao.

Sinabi ni Abellera na naaresto ang suspek sa police checkpoint sa Barangay Agaon, Datu Anggal Midtimbang.

Nang kapkapan, sinabi ni Abellera na nadiskubre ng pulisya ang 120 gramo ng hinihinalang shabu na itinago sa diaper na suot ng suspek.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Dagdag pa ni Abellera, nakatanggap ng tip ang pulisya na ide-deliver ng suspek ang droga sa Ampatuan mula sa Talitay.

Dinakip din ng mga pulis ang kasabwat ni Talusan na si Tarhata Alon sa follow up operation sa Bgy. Kamasi, Ampatuan.

Si Alon ang tatanggap sana ng droga. (Joseph Jubelag)