SANTA IGNACIA, Tarlac - Patay ang driver ng motorsiklo habang grabe namang nasugatan ang dalawang angkas niya matapos na makabanggaan ng sasakyan ang isang owner-type jeepney sa highway ng Barangay Poblacion West sa Santa Ignacia, Tarlac, nitong Biyernes ng gabi.

Kinilala ni PO3 Rolly Marzan ang nasawing si Art Anggaban, 34, driver ng Honda Wave motorcycle (AA- 87797), at taga-Purok 3, Bgy. Sta. Ines East, Santa Ignacia.

Grabe namang nasugatan sina Cresencia Valdez, 36; at Ashley Fiesta, 9, ng Bgy. Pugo Cecilio, Santa Ignacia, na agad isinugod sa Gilberto Teodoro Memorial Hospital.

Dakong 9:10 ng gabi nang makasalpukan ng motorsiklo ang jeep (CET-292) na minamaneho ni Carlos Paulo, 22, ng Bgy. San Vicente, Santa Ignacia, Tarlac. (Leandro Alborote)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar