PINASALAMATAN ng mga opisyal ng Department of Environment and Natural Resources sa Autonomous Region sa Muslim Mindanao (DENR-ARMM) nitong Sabado ang mga residente ng dalawang coastal village sa pagtulong sa environment workers sa cleanliness drive, iniulat ng Philippines News Agency (PNA) kahapon.

“They used to be uncooperative but were challenged by the sight of outsiders doing the cleaning for them,” sambit ni Forester Kahal Kedtag, DENR-ARMM regional secretary, matapos pangunhan ang clean-up drive.

Ang mga residente sa bawat barangay ng Datu Odin Sinsuat at Datu Blah Sinsuat sa Maguindanao province ay tumutulong din sa pagpapalagnap ng impormasyon sa iba pang mga residente kaugnay sa paglilinis sa coastlines bilang suporta sa clean-up campaign ng DENR-ARMM.

Nitong Biyernes, nagsama-sama ang DENR-ARMM officials at mga empleyado sa coastal villages at nilinis ang 3.6-km.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

shoreline.

Mismong si Kedtag ang nakasaksi sa paglabas ng mga residente na may hawak na mga walis at stick upang alisin ang mga basura sa coastline.

Nagtulung-tulong ang mga batas, ina at ama sa pangongolekta ng mga hindi nabubulok na basura mula sa mga dalampasigan at dagat.

Ayon kay Kedtag, ang clean-up drive ay suportado ni ARMM Regional Governor Mujiv Hataman.

Ayon kay Mayor Datu Ombra Sinsuat ng Datu Odin Sinsuat, magpapatupad ng ordinansa ang mga lokal na opisyal upang ipagpatuloy ang clean-up drive na pinangungunahan ng DENR.