Hinamon ni WBC International flyweight champion Giemel Magramo ng Pilipinas si WBC Silver 112 pounds titlist Muhammad Wasseem ng Pakistan para sa kanilang duwelo sa Nobyembre 27 sa Millenium Hilton, Seoul, South Korea.

Nakabase sa Seoul si Wasseem, nagparetiro kay Pinoy two-time world title challenger Jether Olivo.

May rekord ang maistilong si Waseem na 4-0, tampok ang tatlong knockout at umaasang magiging kauna-unahang purong Pakistani na magiging world champion sa professional boxing.

Ngunit, mabigat kalaban ang mas beteranong si Magramo na matikas ang marka sa 17-0, kabilang ang 13 TKO.

Pambansang Kamao Manny Pacquiao, nag-senti? Ilang netizens, todo-comfort!

Huling tinalo ni Magramo si dating world rated Renz Rosia sa 10-round unanimous decision noong nakaraang Hulyo 16 sa Elorde Sports Complex, Parañaque City.

Nakalista ngayon si Magramo na No. 12 challenger kay IBF flyweight champion Johnreil Casimero ng Pilipinas, samantalang si Waseem ay No. 12 contender sa WBC ratings na bakante ang titulo. (Gilbert Espeña)