LIPA CITY, Batangas - Pulitika ang nakikitang dahilan ng kampo ni Lipa City Mayor Meynardo Sabili sa pagpapataw sa kanya ng Sandiganbayan ng siyam na buwang suspensiyon bilang alkalde.

Sa desisyong nilagdaan ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales nitong Agosto 16, tinukoy na guilty si Sabili sa conduct prejudicial to the best interest of the service.

Nag-ugat ang suspensiyon sa pagsasampa ng grupo ni Oscar Camerino sa alkalde ng mga kasong grave misconduct, dishonesty, at grave abuse of authority noong Marso 2015.

Taong 2010 nang nagkasundo umano ang noon ay hindi pa alkaldeng si Sabili at ang grupo ni Camerino na tutulungan ng una ang huli sa settlement ng lupa nito sa Victoria Homes sa Tunasan, Muntinlupa City kapalit ng 50,000 square meters na lupa, pero hindi umano natupad ang usapan.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Naniniwala naman si Bernadette Sabili, asawa ng alkalde, na may malalaking tao na nasa likod ng paninira sa kanyang asawa.

Sinabi pa ng ginang na humiling na ang kampo ng alkalde ng temporary restraining order sa Court of Appeals kaugnay ng suspensiyon. (Lyka Manalo)