ILANG taon na kaming dumadalo sa PLDT Gabay Guro concert sa SM Mall of Asia at nakikita namin ang mga pagbabago taun-taon, sa presentation, sa celebrities na libre ang performance, na nagpapasaya sa mga guro na dumadayo pa mula sa malalayong lugar ng bansa at sa services na ibinibigay para sa ikauunlad ng mga guro sa buong bansa tulad ng scholarships, trainings, housing and educational facilities, livelihood programs, broadbanding and computerization at teachers’ tribute.

Ngayong nasa 9th year na ang Gabay Guro, headed by Ms. Chaye Revilla, nag-report sila ni Gary Dujali ng PLDT sa presscon ng mga na-accomplish na nila simula nang itatag nila ito kasama ang kanilang team of visionaries, tulad ng 40 schools and classrooms na itinayo nila sa mga bayang dinaanan ng matitinding kalamidad tulad ng Cebu, Bohol, Leyte at Capiz.

At ang pinakahihintay nga ay ang 9th Teacher’s Tribute na magaganap sa September 25 (Linggo), sa SM Mall of Asia Arena. Katulad nang dati, ang dadalong teachers ay magiging sentro ng pagdiriwang at tatratuhin na tulad ng royalty.

Mas maraming raffle prizes kasama ang house and lot, vehicle showcase, at livelihood opportunities. 

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Mas marami pang raffle prizes ang matatanggap ng teachers dahil malalaking sponsors pa rin ang sumali sa tribute this year for the teachers.

At parami na nang parami ang celebrities na pumapayag mag-perform nang libre, sa pangunguna ni Regine Velasquez-Alcasid na siya ring kumanta ng theme song ng Gabay Guro, kasama sina Ogie Alcasid, Gary Valenciano, Pops Fernandez, James Reid, Nadine Lustre, Ms. Lea Salonga and Ms. Sharon Cuneta. For sure, mas marami pang celebrities ang darating tulad ng bagong volunteer sa tribute, si Jona (formerly known as Jonalyn Viray) na noong presscon ay nagparinig ng touching version niya ng Hero ni Mariah Carey – na alay siyempre niya sa teachers na dumalo.

Ang PLDT Gabay Guro grand tribute ay exclusive para sa teachers na dadalo mula sa iba’t ibang lugar ng bansa, sa pamamagitan ng mga LGU’s na binigyan ng tickets para sila ang magpadala ng teachers. Ipinaaalaala lamang ng PLDT Gabay Guro na free ang admission sa MOA, hindi po ipinagbibili ang tickets.