SPRINGFIELD, Ill. (AP) — Matapos mag-resign sa Illinois House dahil na-hacked ang kanyang Facebook page, inamin ng top Republican na isang babae sa Pilipinas ang kanyang naging kaibigan at mayroong ‘inappropriate online conversations’ na namagitan sa kanilang dalawa, na sa dakong huli ay nauwi sa extortion.

Si Downers Grove Republican Ron Sandack, naging Grand Old Party floor leader, ay nag-isyu ng pahayag matapos lumabas ang mga bagong impormasyon mula sa police report na kanyang inihain noong Hulyo.

Sa report, sinasabing tinanggap ni Sandack ang ‘friend request’ sa kanya ng isang babae sa Facebook. Matapos ang ilang beses na palitan ng mensahe, nag-video call sa Skype ang mga ito.

Kasunod nito ay ang paghingi na umano ng pera ng babaeng nasa 20s ang edad.

National

Tañada, palalakasin muna LP; wala pang alyansa sa Duterte, Marcos camp

Ang nilalaman ng messages at detalye ng video call ay hindi na nakasaad ng kumpleto sa police report.

Sa report na nakuha ng AP, posibleng nadale ng scam na nag-uugat sa Pilipinas, si Sandack.

Sa pahayag ni Sandack, inilarawan nito bilang “international crime ring” na target ang high profile individuals, ang grupo ng babae. Ang modus, matapos bolahin, ang biktima ay kikikilan.

“I took their bait and fell for it hook, line and sinker,” ayon kay Sandack, may-asawa at may dalawang anak.

“Subsequently, counterfeit social media accounts were created jeopardizing my online identity. Nonetheless, I was a victim. Poor decisions on my part enabled me to be a victim,” dagdag pa nito.

Sa kabila nito, sinabi ni Sandack na hindi naman naapektuhan ang kanyang trabaho sa General Assembly sa pangyayari.

Hindi rin umano siya gumamit ng computer na pag-aari ng gobyerno nang maganap ang “inappropriate conversation”.

Samantala tinapos na ng Downers Grove police ang imbestigasyon, ngunit walang nasampahan ng kaso.

Sa pinakahuling report naman ng Federal Bureau of Investigation (FBI), nakipag-ugnayan na sila sa Philippine National Police (PNP), ngunit wala naman umano silang magawa ng husto lalo na kung ang krimen ay naganap sa labas ng Estados Unidos.

Nabatid na si Sandack, pitong taong naging alkalde ng Downers Grove, bago maging miyembro ng lehislatura noong 2010.

Nagkaroon ito ng kaibigan sa Facebook noong Hulyo 7. Matapos ang palitan ng mensahe at video call, nakatanggap na ng mensahe ang mambabatas na nagde-demand na ng pera ang babae at nakalahad na rin Facebook contacts ni Sandack.

Dalawang beses umanong nagpadala ng pera sa Pilipinas si Sandack, at nang patuloy ang mensahe ng babae, doon na dumulog sa pulis si Sandack. Nagbitiw na rin ito sa pwesto.