ALEPPO, Syria (AFP) – Hindi pa rin makaalis ang tulong na pagkain para sa mga desperadong sibilyan sa silangan ng Aleppo sa hangganan ng Syria sa Turkey.

Sinabi ng isang AFP correspondent noong Biyernes na wala pang natatanaw na paggalaw sa sirang Castello Road, ang pangunahing ruta para sa humanitarian assistance sa Aleppo.

Umaasa ang UN na maihahatid na ang 40 truck ng pagkain – sapat para mapakain ang 80,000 katao sa loob ng isang buwan , sa silangang bahagi ng Aleppo, na kontrolado ng mga rebelde.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline