Umakyat sa 125th ang world ranking ng Philippine Azkals, batay sa pinakabagong ranking na inilabas ng FIFA World nitong Biyernes.
Nakakuha ng pinakamatikas na ranking ang Azkals matapos gapiin ang 108th-ranked Kyrgystan, 2-1, sa isang friendly game kamakailan.
Nakuhang muli ng Pilipinas ang pagiging No.1 sa Southeast Asia matapos malaglag sa 135th ang Thailand, habang napunta ang Vietnam sa 141st.
Sa AFC, tangan ng Azkals ang ika-17 puwesto. Nangunguna ang Iran, habang nakabuntot ang Australia, Korea Republic, Uzbekistan, at Saudi Arabia. Nahulog naman mula sa 56th mula sa No.7 spot ang Japan.
Nakatakdang sumabak ang Azkals sa iba pang friendly match bilang paghahansa sa AFF Suzuki Cup simula sa Nobyembre.
Tumalon naman No.4 mula sa No.9 spot sa world ang Brazil matapos ang pagwawagi sa World Cup qualifying kamakailan.
Nangunguna ang Argentina kasunod ang Belgium at pangatlo ang Germany.
Nakabalik naman sa top 10 ang European Championship semifinalist Wales mas mainam sa Spain, England at Italy na nasa No. 11 hanggang 13.
Nasa No.15 ang Mexico habang nasa No.18 ang Costa Rica. Tumalon naman sa No.4 mula sa No.22 ang United States.