SAN JOSE CITY - Hindi nagawang makaalpas sa kamay ng batas ng dalawang umano’y carnapper na matagal nang pinaghahanap, makaraang maaresto sa manhunt operation ng San Jose City Police sa magkahiwalay na lugar sa lungsod na ito nitong Biyernes.

Kinilala ni Supt. Reynaldo SG Dela Cruz, hepe ng San Jose City Police, ang unang nadakip na si Randolph Delos Reyes y Rodriguez, binata, ng Barangay R. Eugenio, na natutop sa Del Pilar Street sa Bgy. F.E. Marcos sa bisa ng arrest warrant sa kasong carnapping.

Sumunod na nasakote ang isang 17-anyos na out-of-school youth, ng Bgy. F.E. Marcos, na nasukol sa Bgy. Abar 1st sa bisa rin ng arrest warrant para sa carnapping. (Light A. Nolasco0

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar