Kalaboso ang isang lalaki matapos umano niyang gahasain ang isang 36-anyos na dalaga na sinasabing may diperensya sa pag-iisip sa Sta. Cruz, Maynila, nitong Huwebes ng madaling araw.

Nahaharap sa kasong rape ang suspek na si John John Urbano, alyas “Kitot”, 36, tubong Masbate at residente ng 1283 Interior B, Tambunting, Sta. Cruz, Maynila matapos ireklamo ng biktima, residente rin ng naturang lugar.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Rowena Albano, ng Women and Children’s Protection Unit ng Manila Police District (MPD)-Station 3, dakong 3:40 ng madaling araw kamakalawa nangyari ang panggagahasa sa loob mismo ng tahanan ng biktima.

Mahimbing umanong natutulog ang biktima nang hubaran ng underwear ng suspek at hinalay.

National

Revilla, sumuko na: 'Nakakalungkot po parang wala yatang due process'

Matapos nito ay mabilis na tumakas ang suspek, habang umiiyak namang nagsumbong ang biktima sa kanyang ina at dali-daling nagtungo sa barangay upang magreklamo.

Boluntaryo umanong sumuko si Urbano at nasampahan na ng kaso. (Mary Ann Santiago)