AKLAN – Isang lalaking Swede at kaibigan niyang Pilipino ang naaresto ng mga pulis dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga sa isang beach resort sa Boracay Island sa Malay, Aklan.

Kinilala ng awtoridad ang mga nadakip na sina Daniel Wilhelm Guntli, 31, taga-Sweden; at Rey Buendia, 36, ng Butuan City.

Inaresto ang dalawa sa buy-bust operation na ikinasa ng Boracay Special Tourists Police Office, at nakumpiskahan ng limang sachet ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia. (Jun N. Aguirre)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar