volleyaction-copy

Binuo ng Philippine Sports Commission (PSC) ang Grievance Committee upang mangasiwa at duminig sa mga hinaing ng mga atleta laban sa mga opisyal, gayundin ang mga gusot na nilikha ng wala sa prosesong pagpapalit ng liderato sa mga national sports association (NSAs).

Ayon kay PSC chairman William “Butch” Ramirez, kinatigan ng PSC Board ang pagbuo ng naturang committee na pamumunuan ni Atty. Francis Romulo Padilla Jr.

“The PSC Board has decided to create a Grievance Committee para doon masusing mapag-aralan ang mga reklamo ng mga atleta laban sa kanilang mga opisyal. Layunin nating maayos ang sigalot para mas makapagtrabaho tayo ng tama,” sambit ni Ramirez.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

‘Yung may mga bangayan na NSA, ayusin natin at nang matimbang natin ang isyu at saka natin pagkakasunduin. Kung ayaw naman nila magkasundo, tatanggalin natin ang suporta,” aniya.

Makakasama ni Padilla Jr. sa komite ang dalawa pang abogado na ayon kay Ramirez ay sapat na para hindi malayo ang ahensiya sa legalidad nang magiging aksiyon nito.

“The PSC has visiting and monitoring power as stated in the Charter. However, hindi naman namin basta-basta na lang madedesisyunan ang mga reklamo unless na may basis kami at within our jurisdiction kaya kailangan namin ang mga abogado para medetermine namin hanggang saan ang boundary namin,” sambit ni Ramirez.

Iginiit ni Ramirez na pagtutuunan ng prioridad ang mga reklamo ng mga atleta. Ibinigay na halimbawa ng PSC chair ang isyu kay Rio Olympics marathoner Mary Joy Tabal na iniulat na inalis bilang miyembro ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) matapos sumabak sa quadrennial Games.

“But, former PSC Chairman Philip Ella Juico personally wrote to us and explain that it was her (Tabal) decision to leave the association,” pahayag ni Ramirez.

Nasa radar din ng PSC ang tila nagiging kalakaran sa pagpapalit ng mga lider sa NSA na hindi dumadaan sa tamang proseso.

Matatandaang dumulog kay Ramirez ang mga opisyal mula sa dragon boat, tennis, bowling at volleyball upang ireklamo ang anila’y pagmamanipula ni Philippine Olympic Committee (POC) president Jose ‘Peping’ Cojuangco sa halalan para masiguro na kaalyado niya ang mailalagay sa posisyon. (Angie Oredo)