SA kasaysayan ng iniibig nating Pilipinas, ang mga naging pangulo, bukod sa kanilang mga nagawa para sa ikauunlad ng ating bansa, ay may mga hindi malilimot na pahayag. Nakatatak sa isip ng ating mga kababayan, lalo na sa mga may sense of history at sense of nationalism o pagka-makabayan.

Si Pangulong Manuel L. Quezon ay nagpahayag na: “Gugustuhin pa niya ang isang gobyernong mala-impiyerno na pinamamahalaan ng mga Pilipino kaysa isang gobyernong mala-langit na nasa pamamahala ng mga Amerikano.” May nagsasabing ang pahayag na ito ni Pangulog Quezon ay maaaring bunga ng kanyang karanasan nang nilalakad nila na maibalik ang pagsasarili ng Pilipinas. Nabalik ang pagsasarili ng Pilipinas matapos ang transition period na Komonwelt noong Hulyo 4, 1946.

Ngunit inilipat ang Araw ng Kalayaan at naging Hunyo 12, 1896 sa utos ni dating Pangulong Diosdaado Macapagal.

Ibinatay ang paglilipat sa proklamasyon ni Pangulong Emilio Aguinaldo sa Kawit, Cavite noong Hunyo 12, 1896.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Si dating Pangulong Ramon Magsaysay na kinilalang “Idolo ng Masa” ay hindi na malilimot sa kanyang pahayag na: “Ang kapus sa buhay ay dapat punan sa batas.” Pangunahing layunin ng nasabing pahayag na matulungan ang ating mga kababayan sa pamamagitan ng mga batas na makatutulong sa kanilang buhay.

Isang halimbawa ay ang batas sa pagkakaroon ng Social Security System (SSS) at ng Government Service Insurance System (GSIS). Hindi mga batas sa ating makabagong panahon na pinagtitibay ng mga sirkero at payaso sa Kongreso na pahirap at parusa sa bayan at pabor sa mga dayuhan at sa mga tuso at ganid na negosyante.

Si dating Pangulong Ferdinand Marcos na naging diktador dahil sa pagpapairal ng martial law ay nagpahayag naman ng:

“This nation will be great again.” Ngunit dahil sa pagpapairal ng martial law na sumupil at sumikil sa kalayaan at karapatan ng mga Pilipino, ito ay napilitan ng “THIS NATION WILL REGRET AGAIN”.

Sa ating makabagong panahon, sa political campaign pa man ni Pangulong Rodrigo Duterte hanggang sa siya’y manungkulan na Pangulo ng ating bansa ay natatak na sa isip ng ating mga kababayan ang kanyang mga maaanghang na pahayag at mga pagmumura, gayundin ang kanyang pagiging macho, matapang at barako

Sa mga relihiyoso at madasalin, kapag narinig ang pagmumura ni Pangulong Duterte ay nagsa-sign of the cross, napapatingala sa langit sabay usal ng: Hesusmariosep (Heus, Maria, Joseph). Ngunit may pagkakataon na ang mga pahayag niya ay nakalilito. Ang patutsada niya kay President Obama, ang pagsasabi niya ng tarantado kay United Nation Secretary General Ban Ki-moon. At ang pahayag ni Pangulong Duterte na palayasin ang mga sundalong Amerikano na nasa Zamboanga na high value target ng mga Abu Sayyaf Group (ASG). Kinontra naman ito ni Defense Secretary Delfin Lorenzana. Kailangan pa rin ng Pilipinas ang Estados Unidos sa paglaban sa terorismo.

Sana kung may mga adviser si Pangulong Duterte ay payuhan ang ating Pangulo sa pagbibigay nito ng nakalilitong mga pahayag sapagkat nalalagay siya alanganin at ang ating bansa. Maghinay-hinay lamang at nang hindi nalilito at nagkakaiba ng paliwanag ang mga tambolero sa Malacañang o ang communication team.