TOKYO (AP) – Magtatalaga ang Japan ang 88 lugar bilang ‘animation spots’ upang hikayatin ang turismo -- gamit ang mga istasyon ng tren, eskuwelahan, rural shrines at iba pang mga karaniwang lugar na ginagalawan ng mga popular na karakter sa ‘manga’.

Napakarami ng mga lugar na ito dahil sa popularidad at dami ng ‘manga’ comics sa Japan. Ngunit ang 88 ang binansagang official list para sa animation ‘pilgrimage’ ng sinumang tagahanga.

Maaaring bumoto ang mga tao sa buong mundo sa mga landmark sa website na itinayo sa iba’t ibang lengguwahe, kabilang na ang English at Chinese.

Sinabi ng mga opisyal sa likod ng bagong Japan Anime Tourism Association noong Biyernes, na titipunin nila ang travel route ng 88 animation spots pagsapit ng Disyembre, kabilang na kung saan ginawa ang manga at animation works, gayundin ang mga bahay ng manga artists at museums na nakaalay sa mga obra na ito.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina