kathniel-copy-copy

KUMITA P23-M sa opening day nitong nakaraang Miyerkules ang Barcelona: A Love Untold na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, ang record holder ng pinakamataas na first day gross ng pelikula ngayong taon.

Matatag na indikasyon ito ng pagiging unkabogable ng tambalang KathNiel sa takilya.  

Malaking tulong sa pagiging blockbuster hit ng movie ang istorya at direksiyon ni Olive Lamasan at ang backdrop na Barcelona, Spain na ginamit sa pelikula.

Human-Interest

ALAMIN: Bakit ikinukulong sa Sistine Chapel ang mga cardinal sa pagpili ng bagong Santo Papa?

Nang maging panauhin sina Daniel at Kathryn sa Tonight With Boy Abunda, ibinahagi nila sa King of Talk ang mga natutuhan nila sa kanilang roles na ginampanan sa Barcelona: A Love Untold na sina Ely at Mia.

“Natutunan kong before loving others, you have to love yourself,” simula ni Daniel.

“Kasi may isang line doon si Mia na ‘yun ang greatest lesson niya no’ng natutunan niyang patawarin ‘yung sarili niya,” sabi naman ni Kathryn. “Doon na, doon magsisimula ang lahat. Kasi, before masyado niya sinisisi sarili niya and all, and hindi mo mamamahal ‘yung tao hangga’t hindi pa siya ready. So kailangan i-ready mo rin ‘yung sarili mo para ma’bigay mong buo sa tao na ‘yun.”

“I think for Ely, love is forgiveness sa kanya,” salo ng binata. “’Yan ‘yung pinaka-lesson kay Ely. I think you have to forgive for you to love.”

Pinabulaanan ni Daniel sa show ang kumakalat na isyung ito na raw ang huli nilang pagsasama ni Kathryn sa isang pelikula.

“Wala pa naman pong nababanggit sa amin,” aniya. “Pero I think sa movie, Tito Boy, I’m not sure, pero sa teleserye I’m sure kami pa ring dalawa ni Kathryn.”

Para naman kay Kathryn hindi pa siya handang sumabak sa isang proyekto na hindi si Daniel ang kasama.

“Hindi siya magiging madali if ever mangyari ‘yun (paghiwalayin ang love team nila) especially sa akin. Ang laking magiging adjustment ‘yun para sa akin kasi si DJ ang mood booster ko. ‘Pag sa set, siya ‘yung nagpapasaya sa akin, so hindi ko alam kung paano. If ever mangyayari ‘yun, siguro ire-request ko na kailangan ko ng good director also para ma-guide ako kung ano gagawin ko and of course, ‘yung magandang material.”

Inamin na ni DJ sa grand presscon ng movie na “exclusive” na ang estado ng kanilang relasyon, at ito ang nagiging sandalan para maging matatag ang samahan nila.

Kaya tinanong si Kathryn ni Kuya Boy kung paano niya iisiping mabuhay na wala si Daniel? Sagot ng aktres: “Now? No!”

“Tito Boy, iba,” depensa naman ni Daniel. “Alam mo, ‘pagka kami ni Kathryn nagkahiwalay sa set iba talaga. Kasi ‘pagka pagod ka na, sa set, anong oras na, pagod ka na, wala kang makausap. I mean and’yan ‘yung mga kaibigan mo, pero iba pa rin siyempre ‘pag si Kathryn ang kausap ko.”

Ipinaliwanag din ni Kathryn kung ano ang kahulugan ng exclusive relationship nila ni Daniel.

“Para sa amin, ‘yun ‘yung set-up namin, exclusive. Eh, di exclusive kami sa isa’t isa. Parang siguro respeto na rin ‘yun ng iba kapag naiintindihan nila kung anong set-up namin, so maglalagay na rin sila ng limits.”

Usap-usapan na ng mga nakapanood ng Barcelona: A Love Untold ang unang screen kiss nilang dalawa. Kaya makakatawa nang itanong mismo ni Daniel kay Kathryn kung good kisser ba siya.

“Noong shinoot ‘yun, nanginginig talaga lips ko. So, siya talaga nag-alalay sa akin, so thank you, yes,” meaning good kisser daw ang katambal.

Hindi kinalimutan ni Kuya Boy na itanong sa dalawa kung “sila na” nga ba?

Si DJ ang sumagot, klaro: “Ito masasabi ko sa iyo, sa inyo, kaming dalawa ni Kathryn, hindi man kami nagsasabi kung kami na o hindi, ang importante nagmamahalan kaming dalawa.” (ADOR SALUTA)