France Cannes Ma' Rosa Photo Call

TUWANG-TUWA ang buong cast ng Ma’ Rosa sa pagkakapili sa kanila ng para ilaban sa nalalapit na Oscars Awards 2017 o 89th Academy Awards para sa kategoryang Best Foreign Language Film.

Napakasaya raw ng mag-inang Jaclyn Jose at Andi Eigenmann sa balitang ito dahil sa rami ng Filipino movies na pinagpilian ay sinuwerteng ang pelikula nila ang nakuha.

Malaking bentahe naman din ang Ma’ Rosa dahil naisali na at nagpanalo na ito kay Jacklyn bilang Best Actress sa 2016 Cannes Festival noong Mayo.

Human-Interest

Higanting coral, naispatan; mas malaki pa raw sa blue whale?

Rumampa na sina Jaclyn at Andi sa Cannes, kaya rarampa uli sila sa Oscars.

Nang dumalo ang cast ng Ma’ Rosa sa Cannes Festival ay hindi sila umasang makapag-uuwi sila ng award dahil mapasama lang sa list ng nominees ay malaking karangalan na, bukod pa sa makapaglakad sa red carpet sa Palais des Festivals et des Congrès.

Bagamat hindi naman sinabing umaasa uli ang cast na mag-uuwi ulit sila ng award sa Oscars ay sobrang saya na rin nila sa pagkakapili sa Ma’Rosa para maging entry.

Hindi pa namin napanood ang Ma’ Rosa kaya hindi kami makapagbigay ng reaksiyon. Ibig sabihin kaya ay mas maganda ito kaysa Pamilya Ordinaryo, Dukot, Honor Thy Father, Anino sa Likod ng Buwan, Felix Manalo na pawang napanood na namin?

Hindi rin namin napanood ang Hele sa Hiwagang Hapis at ang Hermano Puli kaya hindi rin namin mapagkumpara.

Gayunpaman, good luck sa Ma’ Rosa. (REGGEE BONOAN)