pilita-inawitan-si-hans-sy-at-ang-mga-bata-sa-childhaus-copy

PARA matulungan ang mga walang trabaho na taga-Pasay City, nagbigay ng libreng seminar sa panggugupit at pagkulot ang Rotary Club of Pasay Southeast sa pamamagitan ng “Isang Gunting, Isang Suklay” ni Ricky Reyes.

 

Sa paglulunsad ng proyekto na dinaluhan nina Mayor Tony Calixo at Cong. Emi Calixto-Rubiano sampu ng mga miyembro ng Rotary Club of Southeast Pasay City ay sinabihan ni Mother Ricky ang beneficiaries na pag-igihan ang pagsasanay para sa ikauunlad ng kanilang buhay.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Bibisitahin naman ang pagdiriwang ng anibersaryo ng Childhaus. Makikitang masayang-masaya ang lahat sa pagdating ng kanilang Kuya Hans Sy kasama ng kanyang buong pamilya. Masdan ang kakaibang Tree of Hope ni Kuya Hans na ipinakita sa mga bisita. Inawitan si Hans Sy at ang mga bata ni Asia’s Queen of Songs Pilita Corrales.

 

Ang FGO Foundation naman sa pangunguna ng herbalist at imbentor na si Fely Guy Ong ay magdiriwang ng ika-27th anibersaryo sa Sept. 16 sa Victory Mall, Caloocan City. Isinusulong nito ang natural na pamamaraan ng gamutan sa paggamit ng mga inimbento niyang gamot tulad ng Krystall Oil, Krystall Eye Drop at Krystall Cream na gawa sa mga natural ingredients.

 

At sa “Showbiz Express” ni Aster Amoyo, kinumusta ang mang-aawit na si Mark Bautista.

 

Lahat ng ito at iba pa ay mapapanood sa Gandang Ricky Reyes Todo na Toh ngayong Sabado (September 17) 9-10 AM sa GMA News TV.