“Do not be afraid, the Department of Labor and Employment (DoLE) is not here to close your companies; rather, it is here to help you.”

Ito ang mensahe ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa 300 kinatawan mula sa iba’t ibang Clark Freeport Zone (CFZ) locators na dumalo sa Employer’s Forum sa Royce Hotel and Casino.

Ipinabatid ni Bello sa mga CFZ locator na sinimulan na ng DoLE ang regional information dissemination drive upang maturuan ang employers at empleyado sa kontraktuwalisasyon, ‘endo’ at labor-only contracting (LOC).

Tiniyak ni Bello sa mga kumpanya sa Clark Freeport Zone na hindi sila magkakaroon ng anumang problema basta’t suportahan at makiisa sa panawagan ng gobyerno na matigil na ang kontraktuwalisasyon at ‘endo’. (Mina Navarro)

National

Paalala ng PWS para sa flu season: 'Do not kiss babies that aren't yours!'