Plano ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada na dalhin ang anti-drug education program ng pamahalaan sa 896 na barangay ng lungsod.
Inatasan ni Estrada ang Manila Barangay Bureau (MBB) na makipag-ugnayan sa mga kapitan ng barangay sa pagsasagawa ng Drug Abuse and Resistance Education (DARE) lessons sa mga komunidad. Pangunahing target nito ang out-of-school youths.
“This is to complement the (anti-drug) drive of President Duterte. As I’ve said earlier, prevention is the key. Tigilan na madagdagan pa ang mga adik,” ayon sa alkalde. (Mary Ann Santiago)