BOGOTA (Reuters) – Inamin ni Colombian President Juan Manuel Santos noong Huwebes na may kinalaman ang estado sa pamamaslang ng libu-libong miyembro ng isang leftist political party tatlong dekada na ang nakalipas at nangako na pipigilang maulit pa ang mga ganitong pamamamaslang.

Inako ito ni Santos halos dalawang linggo bago niya lalagdaan ang kasunduang pangkapayapaan sa Revolutionary Armed Forces of Colombia (FARC), na ang mga kasapi ay pinatay kasunod ng mga naunang peace agreement noong kalagitnaan ng 1980s nang buuin nila ang Patriotic Union (UP) political party.

“That tragedy should never have happened,” sabi ni Santos.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'