Setyembre 17, 1872 nang pagkalooban ng patent si Phillip W. Pratt para sa automatic sprinkler system na ginagamit sa pag-apula ng apoy.
Gumagamit ito ng active fire protection method, na kinakailangan ng paggalaw at pagkilos para gumana. Ito ay gumagana kapag ang init na nagmumula sa apoy ay nagiging dahilan upang pumalya ang isang glass component sa sprinkler head, sa paraang iyon lumalabas ang tubig mula sa sprinkler head.
Itong ay ikinakabit sa mga commercial building para sa kanilang kaligtasan, na inoobliga ng mga insurance company, lalo na sa Western countries. Karaniwan itong nakikita sa mga kisame at konektado sa pampublikong tubo na daluyan ng tubig.
Ngayon, karaniwan na itong nakikita sa mga commercial at residential building, at kahit sa mga eskuwelahan.