Inaresto ng mga pulis ang apat na estudyante ng Adamson University sa Ermita, Maynila nang maaktuhan umanong nagpupuslit ng paper bag na naglalaman ng pillbox, kahapon ng umaga.

Pansamantalang pinipigil ng pulisya ang mga naarestong estudyante na sina Ron Marshell Agustin, 20; Harold Concepcion, 27; Raffy Madlang Bayan, 20; at Rhys Foryasen, 20.

Sinasabing ang dalawa sa mga naaresto ay kabilang sa grupong Sigma Rho fraternity, habang dalawa pa ay mula naman sa grupong Tau Gamma.

Sa inisyal na ulat ni Police Supt. Albert Barot, hepe ng Manila Police District (MPD)- Station 5, nabatid na Huwebes pa lang ng gabi ay nanggigirian na ang dalawang grupo na ang dalawang mula sa Tau Gamma fraternity ay nasa loob na ng compound ng naturang unibersidad, habang ang dalawang kaanib ng Sigma Rho fraternity ay papasok pa lamang, dakong 7:00 ng umaga kahapon.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa kabutihang palad ay alerto ang mga guwardiya ng unibersidad at napansin ang kahina-hinalang kilos ng mga estudyante at kaagad hinarang ang mga ito at ini-report sa tanggapan ng MPD-Explosives and Ordinance Division (MPD-EOD) at Lawton Police Community Precinct (PCP).

Sa pagsusuri ni SPO1 Robert Rodillas ng MPD-EOD, positibong pillbox na may triangular shrapnels ang narekober mula sa kamay ng mga suspek. (MARY ANN SANTIAGO at BETHEENA KAE UNITE)