TALAVERA, Nueva Ecija - Dumaranas ngayon ng matinding pagsisikip ng trapiko ang mga motorista makaraang masira ang magkabilang approach ng Sicsican Bridge sa bayang ito, noon pang Sabado.

Abala ngayon ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at Talavera Police sa pagmamantini sa trapiko, katuwang ang mga barangay tanod na 24-oras na nagbabantay.

Sa traffic advisory ng DPWH at pulisya, pinapayuhan ang mga bus at cargo truck na dumaan sa Pinagpanaan-Talavera-Llanera-Rizal Road patungong San Jose City, gayundin sa lahat ng manggagaling sa Metro Manila patungong Northern Luzon, o vice versa.

Tanging magagaang na sasakyan lamang ang pinapayagang dumaan sa one-lane traffic mula sa Cabanatuan City patungong San Jose City, Muñoz, Guimba, Sto. Domingo, Licab at Quezon.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Ang mga gagaling naman sa norte patungong Metro Manila ay makadadaan sa Sicsican patungong Sto. Domingo-Quezon palabas sa Aliaga patungong Cabanatuan City o paluwas ng Metro Manila.

Posibleng matapos na ang pagawain sa unang linggo ng Oktubre, ayon sa DPWH.