NAPAKINGGAN namin ang naging pahayag ng isang police chief ng Quezon City hinggil sa sinasabing natatakot na raw ang ilang showbiz celebrity dahil sa pagkamatay ng kapatid ni Maritoni Fernandez.

Sa ibabaw ng bangkay kasi ng kapatid ng aktres, may nakalagay sa karton na may nakasulat na “pusher ng mga celebrities kasunod na kayo”.

Ayon sa panayam sa naturang police officer, hindi raw dapat mag-alala ang mga taga-showbiz na sangkot sa ipinagbabawal na gamot. Dapat daw ay sumuko na sila at pangalanan ang kung sinumang supplier ng droga sa entertainment industry.

Banggit pa niya, hindi naman sila kakasuhan kung sakaling sumuko o boluntaryong aamin na gumagamit sila ng droga.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Bilang celebrity na hinahangaan at maraming tagahanga, dapat daw na magsilbi silang ehemplo sa mga ito.

Ang tanong naman kaagad sa amin ng aming kaibigang pulitiko na dating taga-showbiz, kung may maglakas loob ba naman daw kayang sumuko at magtuturo, huh!

Samantala, nai-cremate na si Aurora Moynihan at hinihintay na lang ngayon ng lahat ang statement na sinasabing ibibigay ng kanilang pamilya hinggil sa pagkakamatay ng kapatid ni Maritoni. (Jimi Escala)