Mga Laro Ngayon
(MOA Arena)
4:15 n.h. -- Alaska vs NLEX
7 n.g. – ROS vs Star
Makahabol sa huling quarterfinals berth ang tatangkain ng Rain or Shine habang mag-aagawan sa playoff berth para sa huling twice-to-beat advantage ang Alaska at NLEX sa pagpapatuloy ng OPPO-PBA Governors Cup eliminations sa MOA Arena sa Pasay City.
Magtutuos ang Elasto Painters at Hotshots sa tampok na laro ganap na 7:00 ng gabi, pagkatapos ng unang salpukan sa pagitan ng Aces at Road Warriors ganap na 4:15 ng hapon.
Hawak ang markang 4-6, makukuha ng Elasto Painters ang No.8 spot sa quarterfinals kung manaaig sa sibak ng Hotshots.
Sa kasalukuyan, nakasiguro na para sa playoff ang Meralco dahil nanalo ito sa laban nila ng Mahindra sa eliminations habang tutuusin pa ang quotient ng magwawagi sa Aces at NLEX at Mahindra kung sino ang makakasagupa ng Meralco para sa No.4 spot.
Batay sa format, ang top 4 teams (1,2,3 at 4) ay may twice-to-beat advantage kontra sa lower four teams.
Kasalukuyang nakakasiguro na ng twice-to-beat ang Talk ‘N Text (9-1), Ginebra (8-2) at San Miguel Beer (7-3).
(Marivic Awitan)