Mga Laro Ngayon

(San Juan Arena)

9 n.u. -- LPU vs JRU

10:45 n.u. -- CSB- LSGH vs San Beda

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?

12:30 n.h. -- Arellano vs Mapua

2:15 n.h. -- Letran vs San Sebastian

4 n.h. -- EAC- ICA vs Perpetual

Nakataya ang twice-to-beat incentive sa Final Four round sa magkahiwalay na laro ng CSB- La Salle Greenhills at Arellano University ngayon sa pagtatapos ng elimination round ng NCAA Season 92 juniors basketball tournament sa San Juan Arena.

Kapwa may barahang 13-2, mag- uunahan ang dalawang koponan sa ika-14 nilang tagumpay sa pagsalang kontra sa magkahiwalay na laro. Haharapin ng Junior Blazers ang top seeded na San Beda sa ikalawang laro ganap na 10:45 ng umaga, habang haharapin ng Braves ang semifinalist Mapua sa ikatlong laro ganap na 12:30 ng hapon.

Tatangkain ng Junior Blazers na makaganti sa 72-97 na pagkatalo sa Red Cubs noong first round habang hangad naman ng Braves na maulit ang kanilang 83-74 na paggapi sa Red Robins sa una nilang pagtatagpo.

Sakaling magtabla pa rin ang dalawang koponan, magkakaroon ng playoff sa pagitan nila para alamin kung sino ang papasok na No.2.

Sa iba pang Laban, magtutuos sa isang no- bearing match ganap na 9:00 ng umaga ang Lyceum at Jose Rizal University habang magtatapat sa huling laro na wala na ring bearing na sagupaan sa pagitan ng Emilio Aguinaldo College at University of Perpetual ganap na 4:00 ng hapon. (Marivic Awitan)