NABASA namin ang cry for help ni Mystica na idinaan sa Facebook. Kailangan ng singer ang tulong pinansiyal at sana, matulungan siya ng showbiz industry na naging bahagi rin naman siya.

“Buti pa ‘yung patay inaabuluyan. Samantalang buhay pa ako, humihingi ng konting tulong maipa-check up ko lang ang throat ko dahil na-infection at tuluyan na akong nawalan ng boses pero wala man lang makapagtapon ng konting barya lalo na sa mga anak kong tinutulungan kong magkaroon ng pelikula sa aking advocacy project na ‘Truth.’ At least now, I know, iisa lang pala ang kayang tumulong na si Noemi Maravilla dahil magpapadala daw ng P500. Konting pandagdag na lang sana para tuluyang maipagamot ko ang throat ko at para rin sana maibalik ko na rin ang boses ko kaya mga anak nasaan na kayo?

“Alalahanin n’yong pagdating ng araw na natapos ang movie ko at itatanong niyo rin ang mga salitang, ‘Nasaan na ako sa movie na ito?’ Kaya Diyos na ang bahala sa inyo dahil hindi ako titigil na kakatok at alam kong darating ang ibang may puso at masu-survive din ako sa challenge na ito. Thank you Lord for using me as an instrument because I believe that everything that is happening to me now is just a challenge and these things are meant to happen for a reason!”

“Kung dati-rati pinapakain ko halos lahat ng nakikita kong gutom sa mga lansangan ngayon, ako naman ang namamalimos para may pantawid-gutom! After Sept. 17, wala na rin kaming matirahan, kaya maninirahan na rin siguro ako sa lansangan, maliban lang kung may mag-aampon sa akin and that is the truth... so help me God. Kaya mga anak, bago niyo makitang palabuy-laboy na lang sa lansangan ang lola niyo, kelangang maibalik na ang boses ko para matapos na rin ang ating pelikulang ‘Truth’.” (Nitz Miralles)

Singer Olivia Rodrigo at boyfie, spotted daw sa Intramuros?