Setyembre 16, 1987 nang buohin at lagdaan ng 24 maunlad at papaunlad na bansa ang Montreal Protocol on Substances That Deplete the Ozone Layer, isang kasunduan na minana sa Montreal, Canada.
Mas kilala sa tawag na Montreal Protocol, layunin ng kasunduan na maisaayos ang produksiyon at paggamit ng mga kemikal, gaya ng chlorofluorocarbons (CFCs) na matatagpuan sa aerosols at refrigerants, na nakatutulong sa pagbawas ng ozone layer sa Earth. Sa kasalukuyan, aabot sa 200 bansa ang lumagda sa kasunduan, kabilang na ang Pilipinas.
Kaugnay sa Montreal Protocol, pinangunahan ng United Nations (UN) ang paggunita sa International Day for the Preservation of the Ozone Layer, o World Ozone Day, noong araw ding iyon. Ang kabuuang Setyembre ay Ozone Protection Month sa Pilipinas.