Gustong patunayan ni WBO No. 1 at IBF No. 15 bantamweight Arthur ‘King’ Villanueva na titiyakin niyang hindi kontrobersiyal ang pagwawagi kay dating WBC Continental Americas super flyweight champion Juan “El Penita” Jimenez sa kanilang rematch sa September 24 sa Stubhub Center, Carson, California.

Sa kanilang unang laban, napabagsak ni Jimenez si Villanueva sa 2nd round pero nakabawi ang Pinoy boxer sa 3rd round.

Nagkauntugan sila ng ulo sa 4th round kaya bumagsak si Jimenez at hindi na nakabangon kaya idineklara siyang natalo sa knockout.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ang rematch nina Villanueva at Jimenez ay undercard ng “Philippines vs Mexico” fight card ng ALA Promotions sa unang laban ni two-division world champion Donnie “Ahas” Nietes bilang flyweight laban kay dating Mexican world champion Edgar Sosa.

Itataya ni Villanueva ang kanyang WBO Asia Pacific bantamweight crown at mataas na world rankings kay Jimenez kaya kailangan niyang magwagi para magkaroon ng ikalawang world title crack matapos mabigo sa kontrobersiyal na 10th round technical decision kay dating IBF super flyweight champion MacJoe Arroyo ng Puerto Rico sa El Paso, Texas noong 2015.

“I want to prove them I deserve the title and to win. This time, there’ll be no questions. I’ll win again,” sabi ni Villanueva sa Fightnews.com.

May kartada si Villanueva na 29-1-0, tampok ang 15 TKO, habang si Jimenez ay may markang 22-10, kabilang ang 15 knockouts. (Gilbert Espeña)