mel-at-morgan-copy

PARARANGALAN ni President Barack Obama sina Mel Brooks at Morgan Freeman ng 2015 National Medal of Arts, ayon sa White House noong Miyerkules.

Inimbitahan ang mga artista at iba pang nagtatrabaho sa industriya para tanggapin ang medal sa isang seremonya sa White House sa Setyembre 22. Balak din ng first lady na si Michelle Obama na dumalo sa event. 

Sinabi ng White House na pararangalan si Brooks dahil sa “lifetime of making the world laugh.” Isa ang aktor, direktor, at manunulat sa iilang artista na nanalo ng Oscar, Emmy, Tony, at Grammy.

Human-Interest

Mag-asawang hindi nakapagtapos ng pag-aaral, pinagtapos naman ang 9 na anak!

Kikilalanin din si Freeman sa kanyang dedikasyon bilang aktor, direktor, at narrator.

“His iconic stage and screen performances have brought to life characters from the whole spectrum of the human experience, moving audiences around the world, and influencing countless young artists,” ayon sa pahayag ng White House.

Kabilang sa iba pang nanalo ngayong taon sina composer Philip Glass, aktess at singer na si Audra McDonald, author na si Sandra Cisneros, at painter na si Jack Whitten. Kasama rin sa listahan sina musician Santiago Jimenez Jr. at playwright writer na si Moises Kaufman.

Inihayag din ng White House na kabilang ang celebrity chef na si Jose Andres sa mga tatanggap ng 2015 National Humanities Medal. Pati na rin ang jazz legend na si Wynton Marsalis, public radio host na si Terry Gross at author na si James McBride. (AP)