Sa pagnanais na hindi gaanong dumepende sa United States, handa ang pamahalaan ng Pilipinas na bumuo ng mas “mainit” na ugnayan sa China na walang inilalatag na kahit anong kondisyon.

Ito ang naging pahayag ni Presidential spokesman Ernesto Abella matapos papurihan ni Chinese Vice Foreign Minister Liu Zhenmin ang bagong yugto ng relasyon ng Pilipinas at China.

Pinagdiinan ni Abella, sa isang press briefing sa Palasyo, ang pahayag ng mga opisyal ng China na “the two countries may be on track to dialogue, consultation and friendly cooperation.”

“The conversations between the two countries are basically friendly. You could almost say getting to know you,” ani Abella sa kabila ng hindi pa nareresolbang isyu sa West Philippine Sea.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

“The whole purpose is to be able to establish warmer relationships so, I am not aware that there are preconditions to the conversation. However there is an openness now to do so,” dagdag ni Abella nang tanungin kung may mga kondisyong inilatag sa planong bilateral talks. (Genalyn Kabiling)