WASHINGTON (Reuters) – Palalakasin ng Japan ang aktibidad nito sa South China Sea sa pamamagitan ng joint training patrols sa United States at bilateral at multilateral exercises sa mga hukbong pandagat sa rehiyon, sinabi ni Japanese Defense Minister Tomomi Inada noong Huwebes.

Sa kanyang talumpati sa Center for Strategic and International Studies, isang Washington think tank, sinabi ni Inada na pinalalakas ng Japan ang mga aktibidad sa karagatan na nakabahala ang malawakang pag-aangkin ng China sa mga teritoryo.

May sariling iringan ang Japan at China sa agawan ng teritoryo sa East China Sea.

“Japan, for its part, will increase its engagement in the South China Sea through, for example, Maritime Self-Defense Force joint training cruises with the U.S. Navy and bilateral and multilateral exercises with regional navies,” aniya.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina